NEWS
Senior citizens na mag-asawang adventurers natagpuang patay sa lifeboat; yacht nawawala

7/23/24, 5:53 AM
Patay ang adventurer na mag-asawang British-Columbian nang matagpuan sa isang lifeboat na lulutang-lutang malapit sa isla ng Sable sa may silangan ng Canada.
Huling nakita noong Hunyo 11 ang mag-asawang Brett Clibbery, 70 at kanyang maybahay na si Sarah Packwood nang sila ay maglayag lulan ang 42-foot na SV Theros na kanilang pagmamay-ari
Ngunit naging palaisipan sa mga imbestigador kung bakit lulan na lamang sila ng isang lifeboat nang matagpuan ang kannila mga bangkay noong Hulyo 10. Ang lifeboat ay inanod sa may Sabie Island, Nova Scotia Canada, ayon sa royal Canadian Mounted Police.
Sinabi ng mga imbestigador na pumalaot ang mag-asawa papunta sa Azores, isang grupo ng Portugal sa may kalagitnaan ng Atlantic Ocean. Ang lugar ay 2,000 milya ang layo sa kanilang lugar sa Halifax, Nova Scotia.
Noong Hunyo 18, ini-report ng mga kaanak na nawalala ang mag-asawa at hindi na sila sumasagot sa mga tawag sa radyo at telepono.
Inaalam pa ng mga pulisya kung ano na ang nangyari sa Theros.
Tinawag nina Clibbery at Packwood na adventure travelers sila kaya madalas maglayag ang mga ito lulan ng Theros.
Dinodokumento ng dalawa sa YouTube channel ang kanilang paglala-galat na tinawag nilang Theros Adventures.
Ayon sa Maritime Museum of the Atlantic ang Sable Island ay isang sandbar na may habang 27 milya na may layong 187 milya mula sa Halifax
