top of page
Flag.gif
  • Facebook
  • X
  • Instagram

NEWS

Senior citizen Jon Bon Jovi nag-aalalang di na makapag-concert dahil sa operasyon

3/17/24, 4:55 AM

Ni MJ Blancaflor

Bagaman maglalabas si Jon Bon Jovi ng bagong album sa Hunyo, inamin niyang hindi siya sigurado kung makakapagsagawa pa siya ng concert tour matapos ang kanyang operasyon noong 2022.

"I don’t know about a tour. It is my desire to do a tour next year, but I’m just still recovering from a major surgery," sabi niya sa isang panayam sa Mix 104.1 Boston na iniulat ng CNA.

"Although I’m well on the road to recovery and was able to take my time and do a song a day when I made the record, my need, want, desire is to be able to do two-and-a-half hours a night four nights a week for months on end. And so I’m working towards that goal,” dagdag pa ni Jon.

Si Bon Jovi, 62, ay sumailalim sa isang proseso na tinatawag na medialization matapos matuklasan na isa sa kanyang mga vocal cord ay nag-aatrophy o humihina.

Ang pag-atrophy ng vocal cords ay nagreresulta sa mga pagbabago sa boses, tulad ng pagkabulol, kahinaan, o kahirapan sa pagsasalita o pagkanta.

Nakatakdang ilabas ni Bon Jovi ang kanyang album na "Forever" sa darating na Hunyo.

Kabilang sa kanyang mga sikat na awitin ay "Livin' on a Prayer," "It's My Life," at "Always."

Comments

Share Your ThoughtsBe the first to write a comment.
bottom of page