top of page
Flag.gif
  • Facebook
  • X
  • Instagram

NEWS

Sandiganbayan nagbaba ng hold departure orders vs Yap brothers

Photo from newsinfo.inquirer.net

3/3/26, 10:29 AM

Ni Ralph Cedric Edralin

Inaprubahan ng Sandiganbayan ang precautionary hold departure order (PHDO) na hiniling ng Office of the Ombudsman laban sa magkapatid Benguet Rep. Eric Yap at dating ACT-CIS Partylist Rep. Edvic Yap.

Inutusan ng anti-graft court ang Bureau of Immigration na huwag pahintulutan lumabas ng bansa ang magkapatifd na humaharap sa mga kasong kriminal na inihain ng Department of Public 'Works and Highways at Independent Commission for Infrastructure .

Ayon kay Asst. Ombudsman Mico Clavano ang PHDO ay hiniling ng kanilang tanggapan upang masiguro na haharap ang magkapatid sa mga pagdinig ng korte para sa kanilang mga kaso.

Sinabi ni Clavano na kumbinsido ang Ombudsman na mga “flight risk" ang Yap brothers.

Ka-alyado ng kampo ni Vice President Sara Duterte ang magkapatid na inaakusahan ng pagiging sangkot sa mga katiwalian ukol sa ghost flood control projects.

Ang dalawa ay pinaniniwalaang nagmamay-ari ng Silverwolves Construction Corp. na idinadawit sa mga ma-anomalyang proyekto ng DPWH.

Bukod sa kanila, 12 pang mga opisyal ng DPWH district engineering office ang nahaharap sa parehong kaso.

Mga akusasyong paglabag sa Republic Act No. 3019 o Anti-
Graft and Corrupt Practices Act at malversation of public funds with falsificaiton of public documents ay isinampa ng Ombudsman laban sa kanila.

Isang non-bailable offense ang kaso kung ang halaga ng umanoy na dispalko ay aabot sa PhP8.8 milyon.

Comments

Share Your ThoughtsBe the first to write a comment.
bottom of page