NEWS
Sa pagkalas sa kapatid, Imee mawawalan ng mga supporter?
_edit_2826427057723.jpg)
Si Senadora 'Imee' Marcos-Manotoc. (Larawan mula sa Politiko)
4/1/25, 5:02 AM
Ni Tracy Cabrera
MAYPAJO, Lungsod Kalookan — Nag-viral sa social media ang video na nilangaw ang motorcade ni Senadora Maria Imelda Josefa Remedios 'Imee' Romualdez Marcos-Manotoc, at ikinatuwa naman ito ng mga senior citizen dahil may sama-ng-loob sila sa kapatid ni Pangulong Ferdinand 'Bongbong' Marcos Jr.
sanhi ng pag-upo nito sa isinusulong na expanded social pension bill na magbibigay sana ng mas malawak na mga benepisyo sa mga nakakatanda sa buong bansa.
Batay sa video, wala man lang isangx taong nag-abang sa pagdaan ng motorcade ng senadora, na lulan ng isang puting pick-up truck at handang-handa sa ang kumaway at bumati sa mga inaasahang tagasuporta na maaaring madaanan ng kanyang motorcade.
"Sino'ng susuporta sa kanya e manhid siya sa kalagayan ng mga mahihirap, lalo na kaming mga senior citizen. Sa totoo lang, kahit bigay pa nga iyong isang libo (buwan-buwan) e hindi naman kasya ito sa aming mga pangangailangang," pinunto ng karpinterong si Mang Gary.
"Mga elitista iyang mga Marcos. Pinanganak sila with a silver spoon sa bibig kaya wala silang pakialam sa kalagayan ng mahihirap," dagdag ng anak ni Mang Gary na si Eric.
“Motorcade ni Imee Marcos, nilangaw. Walang katao-tao. Pansinin niyo naman si Imee guys,” komento naman ng vlogger na si Kugman Reaction Vlog nang i-share nito ang viral video.
Makikita sa habang ng video na wala ring ni isang taong sumalubong kay Sen. Marcos, kahit pa nang bumaba ito mula sa kanyang sasakyan.
Ayon sa mga nakasaksi sa pangyayari, inutusan pa ng senadora ang kanyang staff na dumaan sa palengke subalit bigo pa ring Makikita ng mga supporter dahil kaunti na rin lang ang dinatnan nilang taong naroroon sa pamilihan.
Batay sa obserbasyon ng mga political analyst, ang nilangaw na motorcade ni Sen. Imee ay patunay lamang ng patuloy niyang pagbaba sa mga senatorial survey. Sa pinakabagong survey ng Social Weather Stations (SWS) nitong ikatlong linggo ng Marso, nasa ika-16 na puwesto lang ang senadora sa hanay ng mga 'senatoriables' sa nalalapit na midterm polls sa darating na Mayo.
Ayon sa beteranong election campaign strategist Alan German, desperadong hakbang ang ginawang pagkalas ni Sen. Imee sa Alyansa ng Bagong Pilipinas senatorial lineup ng administrasyon ng kanyang nakababatang kapatid. Iginiit nito na ang nasabing hakbang ni Marcos ay para isalba ang kanyang bumabagsak na posisyon sa mga survey.
Para naman kay Ateneo de Manila University professor Arjan Aguirre, malinaw na inuna ni Marcos ang pansariling interes sa halip na ang katapatan sa pamilya at partido nang magpasya itong kumalas sa partido ng Palasyo.
