top of page
Screenshot_2024-09-08_193102-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220233-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220244-removebg-preview.png
  • Facebook
  • X
  • Instagram

HEADLINES

Sa Araw ng Paggawa . . .
KARAPATAN NG MGA OBRERO IPAGTATANGOL NG DND AT AFP

5/2/25, 9:47 AM

Ni Tracy Cabrera

KAMPO AGUINALDO, Lungsod Quezon — Ito ang ginawang pagtiyak ng Department of National Defense (DND) at Armed Forces of the Philippines (AFP) sa kanilang pakiki-isa sa paggunita ng milyun-milyong manggawang Pilipino sa Labor Day.

Sa mensaheng ibinahagi ni defense secretary Gilberto 'Gibo' Teodoro Jr., nangako ang kalihim ng pakikiisa ng kagawaran at ang AFP sa buong sambayanan tungo sa magandang kinabukasan.

“Aming kinikilala at ipinagtatanggol, alinsunod sa Saligang Batas, ang mga karapatan ng mga manggagawa, kabalikat ang Kagawaran ng Paggawa at Empleyo (Department of Labor and Employment)," idiniin ni Teodoro.

"Ang Kagawaran ng Tanggulang Pambansa ay taus-pusong bumabati sa mga manggagawang Pilipino sa pagdiriwang ng Araw ng Paggawa (Labor Day). Ang araw na ito ay pag-alala at pagkilala sa kontribusyon ng ating mga manggagawa tungo sa isang matatag, maunlad, at payapang Pilipinas," sabi pa nito.

Tungkulin umano ng kagawaran na tiyakin ang seguridad at pangalagaan ang teritoryo ng ating bansa upang malayang maipatupad ang iba't ibang proyekto at programang pangkaunlaran ng pamahalaan—alinsunod sa atas at pangunguna ng ating Pangulong Ferdinand Romualdez Marcos, Jr.—tulad ng
pagpapalago ng mga industriya, pagtatayo ng mga imprastraktura, at mga programang socio-civic para sa kapakanan ng ating mga mamamayan.

Wika pa ng kalihim, "patuloy naming tapat at mahusay na gagampanan ang aming mga tungkulin, pangunahin na ang pagpapatatag at pagmomodernisa ng ating Sandatahang Lakas, para sa komprehensibong pagtatanggol sa ating kalayaan at soberanya."

Sinasaluduhan naman ni AFP chief-of-staff Lieutenant General Romeo Brawner ang hanay ng mga Pilipinong mangagawa na kinikilalang—driving force behind our nation's strength and resilience.

"From the farmers who till our land to the teachers who shape young minds; from healthcare professionals and public servants to skilled workers and OFWs—kayo ang tunay na bayani sa araw-araw," pinunto ni Brawner.

"You labor not only for your families but for the generations yet to come. In the way you strive and persevere, you embody what it means to work with honor, purpose, and heart," dagdag pa ng heneral.

"From the farmers who till our land, to the teachers who shape young minds; from healthcare professionals and public servants to skilled workers and OFWs — kayo ang tunay na bayani sa araw-araw."
Brawner declared strongly that the AFP will always stand united with the citizenry.

"As you build and sustain the firm foundations of our nation, we, your Armed Forces, remain steadfast in our duty to safeguard the peace and security that allow every Filipino to labor with dignity and pride. Maraming salamat sa inyong pagsisikap, pagmamahal, at malasakit para sa bayan," aniya.

"Ang Kagawaran at Hukbong Sandatahan ay nakikiisa sa pagpupugay at pagbati sa mga manggagawang Pilipino, na tunay na maipagmamalaki saan mang panig ng Mundo. Mabuhay ang mga manggagawang Pilipino!" pagpupugay nito.

Si Heneral Romeo Brawner Jr. sa pagdiriwang ng Labor Day. (Larawan mula sa Politiko/AFP)

Comments

Share Your ThoughtsBe the first to write a comment.
bottom of page