top of page
Flag.gif
  • Facebook
  • X
  • Instagram

NEWS

QC resident jumakpot ng P103M sa lotto

5/2/24, 5:57 AM

Isang residente ng Quezon City ang sinuwerteng jumakpot ng P103 milyon sa Ultra Lotto 6/58 nitong Martes, Abril 30.

Mapalad ang mananaya na tamaan ang winning combination na 09-56-36-07-55-54 para mapanalunan ang jackpot prize na P103,439,627.60.

Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), nabili ang kanyang lucky ticket sa Fisher Mall Lotto outlet sa Quezon City.

Maaaring ma-claim ng lucky winner ang kanyang premyo sa punong tanggapan ng PCSO sa Mandaluyong City.

Papatawan ito ng 20% tax alinsunod sa Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) law.

Comments

Share Your ThoughtsBe the first to write a comment.
bottom of page