NEWS
Pro-Duterte senatorial bets lumalakas, pro-BBM humihina sa Pulse Asia survey

4/11/25, 9:36 AM
Sa pangunguna ni Sen. Christopher “Bong” Go, pumasok na sa Magic 12 ang mga kandidato bilang senador na suportado ng kampo ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Sa pinaka-huling Pulse Asia survey, si Go na dating special assistant ng dating presidente ang nasa solo No. 1 sa resulta ng survey para sa katapusan ng Marso, ayon sa kilalang survey firm.
Nakakuha ang re-electionist senator ng 61.9 percent sa voter preference sa isinagawang pre-election survey mula Marso 23 hanggang 29.
Pasok din ang mga Duterte candidates na sina Sen. Bato de la Rosa, television host Willie Revillame, aktor Philip Salvador at SAGIP Partylist Rep. Rodante Marcoleta.
Si ACT CIS Partylist Rep. Erwin Tulfo na dating kasama ni Go sa pinakamataas na antas ay bumaba sa puwesto at nalagak na sa second to third place sa kanyang 51.1 percent voter preference.
Siya ang nanguna sa mga kandidato na itinutulak ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
Kasama rin na nakapasok top 12 ang mga bet ni Marcos na sina dating Senador Vicente “Tito” Sotto III, Panfilo Lacson at Manny Pacquiao; Sen. Pia Cayetano; Sen. Ramon Revilla Jr. Makati Mayor Abby Binay at Sen. Lito Lapid.
Inamin ni Ronald Holmes, pangulo ng Pulse Asia na bumababa ang mga puntos ng pro-administration candidates habang ang mga nasa oposisyon naman ay tumataas.
Ang partial result of pinakahuling senatorial preference survey ng Pulse Asia:
1st place Sen. Bong Go 61.9 percent
2nd-3rd .ACT CIS Partyilst Rep. Erwin Tulfo 51.1 percent
Sen. Bato dela Rosa 48.7 percent
4th Former Sen. Vicente Sotto III 44.2 percent
5th -10th Sen. Pia Cayetano 37.5 percent
5th-11th Sen. Ramon Revilla Jr. 36.9 percent former Sen. Panfilo Lacson 36 percent
5th-12th Willie Revillame 35.7 percent
Ben Tulfo 35.4 percent
6th-13th Sen. Manuel “Lito” Lapid 33.3 percent
8th-16th Former Sen. Manny Pacquiao 32 percent
11th-17th Philip Salvador 30.9 percent
12th-18th Las Piñas Rep.Camille Villar 29. percent
Former Sen. Bam Aquino 28.6 percent
SAGIP Rep. Rodante Marcoleta 28.3 percent
Ayon sa Pulse Asia ang survey na nagkaroon ng 2,400 respondents ay may margin of error na +/- 2 percent sa lebel na pang-nasyonal.
Si Rep. Tulfo ang patuloy na nakararanas ng pagbaba ng boto sa survey bagamat matatandaang 70 percent ang kanyang porsiyento sa mga naunang survey.
Samantala, malaki naman ang inasenso ni Dela Rosa bagamat ito ay hindi dahil sa pagtaas mismo ng kanyang rating ngunit sa pagbaba ng numero ng mga kapwa kandidato.
Ayon kay Holmes maaaring ang pagka-aresto kay Duterte ang naging dahilan kung bakit humihina ang supporta ng mga minamanok ni Marcos.
Matatandaang inaresto si Duterte ng Philippine National Police at agad ipinadala sa The Hague upang mapiit sa detention center ng International Criminal Court.
Malawakang protesta ang naging sanhi ng umanong ilegal na pagkadarakip sa dating pangulo na nahaharap sa kasong crimes against humanity by murder. Si Duterte ay inaakusahang naging utak sa pagkamatay ng higit sa 20,000 tao na iniuugnay sa ilegal na droga noong kapanahunan niya bilang pangulo.
