top of page
Flag.gif
  • Facebook
  • X
  • Instagram

NEWS

Presyo ng diesel lilipad sa PhP134/litro; gasolina sa PhP112.40/litro ngayon linggo

Photo from business.inquirer.net

3/24/26, 9:37 AM

Ni Samantha Faith Flores

Pinangangambahan ang pagtaas ng krudo sa PhP134.30 bawat litro at gasolina sa PhP112.40 kada litro ngayon linggo.

Ito ang sinabi ni Energy Secretary Sharon Garin bagamat inamin niyang mga pagpapalagay pa lamang ito ng halaga ng dagdag presyo sa dalawang mahahalagang produkto.

“It will be different if you reconsider Metro Manila compared to far away barangays or municipalities in the country,” paliwanag niya.

Nilinaw ni Garin na hindi sakop ng pamahalaan ang pagdidikta ng presyo sapagkat ang deregulasyon ng industriya ng langis ay matagal nang isinabatas sa bansa.

“Even though it is smaller than last week, this is still a significant jump, considering that it will still affect our transportation industry, as well as all industries, as well as the buying power of our households,” paliwanag ng opisyal.

Simula Martes (Marso 24) tumaas ang presyo ng krudo sa halagang PhP15 hanggang PhP18 bawat litro. Ang gasolina naman ay nadagdagan din ng halagang PhP8 - PhP 12 bawat litro.

Samantala ang halaga ng gaas o kerosena ay umakyat mula PhP12 hanggang PhP22 bawat litro. Kasalukuyan ay umaabog na mula PhP111.99 hanggang PhP165.79 ang bawat litro ng produkto.

Comments

Share Your ThoughtsBe the first to write a comment.
bottom of page