top of page
Flag.gif
  • Facebook
  • X
  • Instagram

NEWS

Pope Francis bibisita sa 4 na bansa sa Asya

4/18/24, 9:32 AM

Nakatakdang bumisita si Pope Francis sa apat na bansa sa Asya simula Setyembre.

Naka-iskedyul na lumipad ang Santo Papa sa Setyembre 2 mula Roma papuntang Asya.

Una siyang maglalakbay patungong Jakarta, Indonesia, kung saan siya mananatili hanggang Setyembre 6.

Pagkatapos nito ay bibisita siya sa Port Moresby, Papua New Guinea mula Setyembre 6 hanggang 9.

Sa Dili, Timor-Leste naman siya mananatili sa Setyembre 9 hanggang 11.

Mula doon, maglalakbay ang Santo Papa patungong Singapore para sa isang pagdalaw na may tatlong araw sa Setyembre 11 hanggang 13.

Comments

Share Your ThoughtsBe the first to write a comment.
bottom of page