NEWS
Pilipinas, China nagkasundo sa Ayungin resupply missions

7/22/24, 4:09 AM
Nagkaroon ng "kasunduan" ang Pilipinas at China ukol sa resupply mission para sa mga sundalong Pilipino na nakatalaga sa Second Thomas Shoal o Ayungin Shoal matapos ang ilang insidente sa pinag-aagawang bahura.
"The Philippines and the People's Republic of China have reached an understanding on the provisional arrangement for the resupply of daily necessities and rotation missions to the BRP Sierra Madre in Ayungin Shoal," ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA) ng bansa.
Hindi nagbigay ng detalye ang DFA tungkol sa nasabing kasunduan, ngunit sinabi nitong kinikilala ng dalawang panig ang pangangailangan na "i-de-escalate" ang tensyon at magkaroon ng dayalogo at konsultasyon.
"Both sides continue to recognize the need to de-escalate the situation in the South China Sea and manage differences through dialogue and consultation and agree that the agreement will not prejudice each other’s positions in the South China Sea," saad ng DFA.
Nabuo ang kasunduan matapos ang 9th Bilateral Consultation Mechanism on the South China Sea in Manila nito lamang Hulyo, dagdag pa ng ahensya.
Hindi pa nagbibigay ng pahayag ang Chinese embassy sa Manila.
Kamakailan lamang ng isang sundalong Pilipino ang naputulan ng hinlalaki matapos mag-clash ang China Coast Guard at resupply mission ng Philippine Navy para sa mga nakadestino sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal.
Kailangan nila ng madalas na resupply ng pagkain, tubig, at iba pang pangangailangan gayundin ang transportasyon para sa rotation ng personnel.
