NEWS
PhP125-milyon OVP confidential pinagpartehan sa loob ng 24 oras- Madriaga

Photo from peoplestaliba.com/
4/14/26, 9:00 AM
Hindi 11 araw, kundi sa loob lamang ng 24 oras dinispatsa umano ng tanggapan ni Vice President Sara Duterte ang PhP125 milyon halaga ng confidential funds noong 2022.
Ito ang sinabi ni Ramil Madriaga, umano’y dating bagman ng pangalawang pangulo, sa pagpapatuloy ng hearing ng impeachment complaint laban sa opisyal na isinagawa nitong Lunes (Abril 14) ng Committee on Justice ng Mababang Kapulungan.
“I personally disposed of the money in less than twenty-four hours,” pahayag ni Madriaga mula sa binasang supplemental affidavit na inihain sa komite.
Sa nasabing hearing, idiniin pa ni Madriaga si Duterte nang sabinin nitong pinondohan ng mga ehekutibo ng kontrobersiyal na Pharmally Pharmaceuticals ang kampanya nito noong 2022.
Ang grupo ng pinagsanib na mga Filipino at Chinese na negosyante ay naghanda na rin umano ng panggastos sa pagtakbo ni Duterte sa pagka pangulo sa 2028.
Matatandaang nasangkot ang kumpanya ng gamot at medical products sa multi-bilyon na anomalya sa umanoy overpriced na anti-COVID medicines at supplies noong kasagsagan ng pandemic.
Agad naman binatikos ng kampo ng bise presidente si Madriaga at pinabulaanan ang kanyang mga paratang.
Sa isang pahayag sinabi ni abogado Salvador Paolo Panelo Jr., abogado ni Duterte, na si Madriaga ang “weakest link” sa tangkang pagugnay sa kanyang kliyente sa malawakang anomalya na umanoy nangyari sa tanggapn ng opisyal.
Ayon kay Panelo lalo lamang lumakas ang depensa ni Duterte dahil sa karagdagang affidavit na isinumite ni Madriaga.
“Our assessment that Ramil Madriaga would be the weakest link in the impeachment case was fully vindicated today,” ayon sa abogado.
Sa pagdinig, inamin ni Madriaga na kumita siya ng PhP1 milyon bilang parte niya sa nakulimbat mula sa confidential funds ng OVP.
Bago niya itabi ang kinita, dinala muna nila umano ang mga bag na may laman mula PhP30 hanggang PhP35 milyon sa Office of the Ombudsman noong Disyembre 2022
