NEWS
PhilHealth dinagdagan ang benefit package sa heat stroke
.jpg)
4/30/24, 4:01 AM
Tumaas ng 30 porsyento ang benepisyong matatanggap mula sa PhilHealth ng mga pasyenteng tatamaan ng heat stroke sa kabila ng matinding init ng panahon.
Mula P6,500, maaari nang tumanggap ang mga Pilipino ng P8,450 mula sa state insurer.
Ito ay bahagi ng pagtaas ng ilang benepisyo na ipinatupad ng PhilHealth sa simula ng 2024.
Nakararanas ngayon ang bansa ng mainit na heat wave, kung saan umabot sa 41 degree Celsius ang temperatura sa ibang lugar na itinuturing ng PAGASA na nasa "extreme danger."
Pinapayuhan ng Department of Health ang publiko na uminom ng tubig, magsuot ng maluwag at magaan na damit, at gumamit ng sunblock, payong o sumbrero kung lalabas upang maiwasan ang mga sakit na nauugnay sa init.
Babala ng PAGASA, tatagal ang peak ng matinding init ng panahon sa bansa hanggang sa kalagitnaan ng Mayo
