top of page
Flag.gif
  • Facebook
  • X
  • Instagram

NEWS

Pharmacy grad sa Mindanao nanguna sa board exam kahit may blood disorder

5/1/24, 3:45 AM

Nagpabilib sa madla ang isang 25-anyos na lalaki sa Zamboanga del Sur matapos siyang maging topnotcher sa 2024 Pharmacists Licensure Exam sa kabila ng iniinda niyang blood disorder.

Nanguna sa board exam ngayong taon si Rhedz-Wei Hadjula, mula sa Universidad de Zamboanga, na may genetic blood disorder na tinatawag na “thalassemia.”

Ang thalassemia ay isang sakit kung saan mahina ang kakayahan ng katawang lumikha nang sapat na hemoglobin.

Sa ulat ng GMA Regional TV, sinabi ni Hadjula na may kaparehong sakit ang kuya niya at nagpapasalamat siya sa kanyang pamilya sa suporta nito para makapagtapos siya ng pag-aaral.

"May kuya din po, may thalassemia to the extent na ‘di siya nakapag-aral," ani Hadjula.

"‘Yung case ko naman, medyo light, somehow there is this struggle din kasi we have to awake at night sa study ganyan, tapos ‘yung hemoglobin ko mababa,” dagdag niya.

Mula sa 1,185 passers ng naturang board exam, si Hadjula ang naging topnotcher matapos siyang makakuha ng 92.85% rating.

Payo niya sa ilang mag-aaral, kilalanin ang kanilang mga sarili upang mahanap nila ang makapagpapasaya sa kanila.

“Kung masaya ka sa ginagawa mo you actually won’t get tired. Just find yourself, keep your feet on the ground,” saad ni Hadjula.

Dalawa rin sa mga kamag-aral niya ang napabilang sa top 10 ng board passers ngayong taon — si Faima Nain na pumanglima, at Rasheedkhan Jainal na nasa ika-10 pwesto.

Comments

Share Your ThoughtsBe the first to write a comment.
bottom of page