NEWS
PH, China national flags sa Sandy Cay, sino ang nagsasabi ng totoo?

4/29/25, 7:59 AM
Parehong nagdisplay ng kani-kanilang national flags ang Pilipinas at China sa Sandy Cay na kinabibilangan ng mga sandbars na malapit sa isang military outpost ng Pilipinas sa loob ng pinagaagawang Spratly Islands.
Ayon sa report ng CNN, parehong ipinakita ng dalawang bansa ang kani-kanilang paghahabol ng teritoryo sa West Philipines sea kung kaya nila itinayo ang kani-kanilang bandila.
Hindi naman inamin ng pamahalaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang napabalitang paglagay ng China ng bandila nito sa Sandy Cay. Ipinilit nito sa news media na fake news ito.
Ngunit sa artikulo ng CNN ipinakita ang litrato ng dalawang umanong Chinse coast guard officers habang sila ay nakatapak sa umanoy Sandy Cay. Hawak ng mga ito ang kanilang national flag.
Pinangangambahang ang ganitong palabas ng dalawang bansa ay lalo pang magpapainit ng kanilang pag-aagawan ng teritory sa WPS.
Ipinagyabang ng China ang mga litrato ng umanoy pagyapak ng mga sundalo nito sa Sandy Cay habang naghahanda na ang mga pwersa militar ng US at PIlipinas para sa pinakamalaking annual joint military drills nila sa malapit sa WPS.
Ayon sa opisyal na pahayag ng Pilipinas, hindi totoo a report ng Chinese Coast Guard na kontrolado na ng Beijing ang Sandy Cay na malapit lamang sa Pag-asa island na okupado ng Philippine military.
“We have not lost the Pag-asa Cays,” paliwanag ni National Security Council Assistant Director General Jonathan Malaya sa panayam sa media.
“There is no truth whatsoever to the claim of the Chinese Coast Guard that the Pag-asa Cay has been seized. The facts on the ground do not support the statement coming from the China Coast Guard,” paliwanag ni Malaya.
Ayon naman kay Commodore Jay Tarriela, West Philippine Sea spokesperson ng Philippine Coast Guard, apat na team ng Inter-AGency Maritime Operation ang agad nagtungo sa lugar na sinasabing nilapagan ng mga Chinese Coast Guard personnel.
“They did not find any presence of Chinese forces on the cays but monitored China Coast Guard and militia vessels loitering nearby,” paliwanag ni Tarriela.
