top of page
Flag.gif
  • Facebook
  • X
  • Instagram

NEWS

Patidongan nagpasyang kasuhan ang 15 pulis na sabit Missing Sabungero case

7/12/25, 6:25 AM

Ni Samantha Faith Flores

Nagpasya ngayon Sabado (Hulyo 12) si whistleblower Julie “

Dondon” Patidongan alias Totoy na sampahan ng mga kasong administratibo ang 15 na isinagkot niya sa pagdukot at pagpatay sa higit na 34 sabungero.

Ang mga pulis ay kasakukuyang nasa restrictive custody ng Philippine National Police. Bawat isa ay kinilala umano ni Patidongan sa kanyang affidavit na nagsasaad ng kanilang partisipasyon sa mga krimen na nagsimula umano sa sabungan ng negosyanteng si Charlie “Atong” Ang.

“Sa Lunes, pupunta ako sa Napolcom (National Police Commission,. Iyong mga pulis na nabanggit ko ay kakasuhan ko na sa Napolcom,” sinabi ni Patidongan sa isang interview sa Super Radyo DzBB

Nauna dito, hinamon ni Napolcom vice chair Rafael Calinisan si Patidongan upang magharap na ng reklamo laban sa mga pulis sa kanilang tanggapan.

Ayon kay Calinisan mayroon na rin listahan ang komisyon ng mga pangalan at pagkakakilanlan ng mga sumabit na pulis.

Ang mga suspek ay matagal na rin iniimbestigahan ng Napolcom./

Sa kanyang testimonya sa mga imbestigador at mga panayam sa media, sinabi ni Patidongan na nakatatanggap ng hanggang PhP2 milyon buwanang payola ang mga pulis mula kay Ang.

Dating pinagkakatiwalaang tauhan ni Ang si Patidongan na nagsabing ang kanyang dating amo ang mastemind ng pagdukot at pagpatay sa mga nawawalang sabungero noong 2021 at 2022.

Pinabulaanan ni Ang ang mga paratang ni Patidongan. Sinampahan ng negosyante ng mga kriminal na kaso ang dating namamahala ng seguridad ng kanyang mga kumpanya.

Comments

Share Your ThoughtsBe the first to write a comment.
bottom of page