top of page
Flag.gif
  • Facebook
  • X
  • Instagram

NEWS

Pagtayo ng “crisis committee” iniutos ni Marcos Jr sa gitna oil price hikes

3/23/26, 10:45 AM

Ni Ralph Cedric Edralin

Ipinag-utos ng Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.ang pagtatag ng isang crisis committee sa gitna na patuloy na pagtaas ng presyong petrolyo na bunsod ng labanan sa Middle East.

Ito ang ipinahayag nitong Lunes (Marso 23) ni Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro sa isang pulong balitaan.

Ayon kay Castro pinangunahan na ng pangulo ang ganitong desisyon bago pa man magpanukala ang Cabinet at iba pang mga adviser na itayo ang crisis panel.

“Okay, bago pa po may nag-suggest na gumawa ng crisis committee, nag-utos na po ang Pangulo na gumawa officially ng crisis committee, so hintayin na lang po natin ang dokumento, pina-finalizee na po,” ayon kay Castro.

Una nang idiniin ni Castro na hindi nahaharap sa sa oil crisis ang bansa dahil may sapat na suplay ng mga produktong langis para sa pangangailangan ng publiko.

Nang tanungin kung bakit pa kakailanganin ang crisis committee, itinugon ni Castro na ito ay magsisiguro na magiging "systematic, organized upang may nakatutok sa sitwasyon kasi dapat laging handa."

“May kasabihan nga: ‘daig ng maagap ang masipag.” paliwanag ng opisyal ng Palasyo.

Comments

Share Your ThoughtsBe the first to write a comment.
bottom of page