top of page
Flag.gif
  • Facebook
  • X
  • Instagram

NEWS

Pagtatanggol ng COA official sa Philhealth Fund Transfer ki malinaw na "conflict of interest - SWP

3/1/25, 1:10 PM

Lubhang nabahala ang Social Watch Philippines (SWP), isang grupo ng mga mamamayan at organisasyong nagbabantay sa kaban ng bayan, sa naging pagharap ni Commission on Audit (COA) Ad Interim Commissioner Douglas Mallillin sa pagdinig ng Korte Suprema sa kaso ng ilegal na pagkuha ng Php 89.9 bilyong pondo mula sa PhilHealth ng gobyerno patungo sa Bureau of Treasury.

Itinuturing ng SWP ang aksyong ito bilang insulto sa mandato ng COA na maging malaya mula sa impluwensya ng anumang ahensyang ino-audit nito, kabilang na ang PhilHealth at Department of Finance (DOF). Bukod dito, isa pang malinaw na hindi paggalang sa mandato ng COA ng DOF na pinamumunuan ni Secretary Ralph Recto nang inihain ni Atty. Solomon M. Hermosura ng Office of Government Corporate Counsel (OGCC) na nagtatanggol sa Korte sa lipat-pondong posisyon ng DOF, ang opinyon ni Commissioner Mallillin ukol sa mga report ng COA sa pondo ng PhilHealth.

Naghain ng komento si Mallillin para ipagtanggol ang pagkuha ng bilyong-bilyong pondo ng PhilHealth para sa ibang pagkakagastusan ng gobyerno na siya namang ikinagalit ng mga mamamayan. Ayon kay Mallillin, mayroon namang garantiya ayon sa Universal Health Care Act na sasaluhin ng gobyerno ang gastusin ng PhilHealth para sa premium ng mga walang kakayahang magbayad sa pamamagitan ng paghingi ng supplemental funding sa Kongreso – isang komentong nagsusulong at nagpapakita ng kawalan ng fiscal responsibility ng mga government-owned and controlled corporations (GOCCs).

Upang protektahan ang COA mula sa galaw na ito ng gobyerno, sinusuportahan ng SWP ang panawagan na tanggalin sa mga tala ng Korte ang testimonya ni Commissioner Mallillin. Inamin ni Mallillin na siya ay naitalaga bilang Ad Interim Commissioner nito lamang Pebrero 10, 2025, ilang araw lamang bago ang ikalawang oral arguments sa Korte Suprema sa usapin ng PhilHealth fund transfer. Bagay na kinuwestyun din ng SWP. ###

Comments

Share Your ThoughtsBe the first to write a comment.
bottom of page