top of page
Flag.gif
  • Facebook
  • X
  • Instagram

NEWS

Oil price seesaw: Tatapyasan ang presyo ng mga produktong petrolyo sa Martes

2/23/24, 9:00 AM

Inaasahan bababa naman sa susunod na linggo ang presyo ng mga produktong petrolyo habang patuloy ang paglalaro ng seesaw ng halaga nito sa pandaigdigant merkado.

Inaasahan ng Department of Energy-Oil Industry Management Bureau ang pagbaba ng presyo ng gasoline na maaaring magbawas ng PHP0.70 hanggang PHP0.90 bawat litro.

Sinabi ni DOE-OIMB Asst. Director Rodela Romero na ang halaga ng krudo o diesel ay posibleng matapyasan ng PHP1.00 hanggang PHP1.20 bawat litro.

Ang kerosene o gaas ay may inaasahan rollback mula PHP0.90 hanggang PHP1.00.

Ang pagtaya sa inaasahan presyo ay ibinase ng DOE-OIMB sa kalakalan nitong nakaraang apat na araw na nagpapakita ng pagkilos na pababa sa mga presyo ng produktong petrolyo.

Ngayong araw ng Biyernes (February 23) inaasahan mabatid ng pamahalaan ang higit na siguradong presyuhan sa darating na Martes.

Kadalasan, inaanunsyo ng mga kumpanya ng langis tuwing araw ng Lunes ang anumang pagkilos ng presyo ng kanilang mga produkto. Ang pagpapatupad ay isinasagawa sa susunod na araw ng Martes.

“The adjustment is attributed to the worries about global demand and the expectations that cuts to US interest rates will take longer,”paliwanag ni Rolmero.

Noong Martes ay nagpatupad ng malaking pagtaas ng presyo ng mga produktong langis ang mga kumpanya. Ito ay nangyari isang linggo na makalipas ang pagpapatupad naman ng pagbaba ng halaga ng petroleum products.

Comments

Share Your ThoughtsBe the first to write a comment.
bottom of page