top of page
Flag.gif
  • Facebook
  • X
  • Instagram

NEWS

Nadia Montenegro nagbitiw sa gitna ng marijuana probe ng Senado

8/18/25, 6:14 AM

Ni Ralph Cedric Rosario

Nagbitiw na bilang political officer ni Sen. Robin Padilla si Nadia Montenegro ilang araw matapos akusahan na nag-pot session mag-isa sa Senado.

“Today, we received the written explanation and letter of resignaiton of Ms. Nadia Montenegro. Her resignation has been accepted,” ayon sa pahayag ni abogado Rudolf Philip Jurado, chief of staff ng tanggapan ni Padilla.

Nagkataong umiinit na ang kontrobersiya tungkol sa naiulat na paghihinalang humihitit si Montenegro ng pinagbabawal na marijuana sa mismong Senate building

Bagama’t may seryosong akusasyon laban sa kanyang tauhan, hindi naman nakitaan ng akmang pagkilos si Padilla upang alamin kung gumagamit nga marijuana si Montenegro.

Iginiit na lamang ng kanyang tanggapan na nagsasagawa ito ng parallel investigation kasabay ng pagsisiyasat ng Office of the Sergeant-at-Arms (OSAA).

Sa limang pahinang resignation letter na ipinadala kay Jurado noong Agosto 15, iginiit ni Montenegro na siya ay nagbibitiw “for the sakeof my mental health and the welfare of my children.”

Mariin din pinabulaanan ng aktres na siya ay humitit ng marijuana sa loob ng ladies comfort room sa Senate building.

Ang akusasyon ay ibinato ng isang empleyado ni Sen. Panfilo Lacson na umanoy naka-langhap ng amoy ng marijuana nang napadaan siya sa nasabing lugar.

Natiyempuhan naman lumabas si Montenegro habang na nagmamatyag ang Lacson staff.

Ang insidente ay ini-report noong Agost 13 sa Senate security officer na dalawang beses na umanong napagsumbungan ng kakaibang amoy na lumalabas sa ladies comfort room malapit sa senators’ extension offices.

Comments

Share Your ThoughtsBe the first to write a comment.
bottom of page