NEWS
Mukha ng senior citizen tinadtad ng bala sa Kalinga

Photo from abante.com.ph
9/27/24, 10:44 AM
Patay ang isang senior citizen nang pagbabarilin ng dalawang salarin nakasakay sa isang motorsiklo sa Tabuk City, Kalinga noong Miyerkules (Setyembre 25).
Si Andres Ocao Bolingon, 63, residente ng Barangay Casigayan ay dineklarang patay sa lugar nang pinangyarihan. Nagtamo siya ng mga tama ng baril sa mukha.
Si Bolingon, isang welder, ay nagpapahinga sa isang welding shop nang barilin ng isa sa dalawang sakay ng motorsiklo bandang 4:30 pm noon Miyerkules, ayon sa ulat ng pulisya.
Ayon sa mga nakasaksi tumigil ang tandem riders sa harap ng biktima at bumunot ng .45 kalibreng baril ang isa at binaril si Bolingon sa bunganga. Muling pinaputukan ang biktima na tumama lahat sa mukha niya.
Nakunan umano ng larawan ang mga suspek na lulan ng motorsiklong wang plaka na tumakas papunta sa katabing barangay.
Hindi malaman ng mga kaibigan at kamag-anak ng biktima ang dahilan sa likod ng pagpatay kay Bolingon.
