top of page
NEWS
MRT-3, LRT-2 may alok na 1-week free ride para sa mga beterano
.jpg)
4/4/24, 8:06 AM
Ni MJ Blancaflor
Bilang pakikiisa sa Araw ng Kagitingan at Philippine Veterans' Week, maghahandog ang MRT-3 and LRT-2 ng isang linggong libreng sakay para sa mga beterano sa bansa mula Abril 5 hanggang Abril 11.
Ayon sa pamunuan ng mga nasabing tren, kailangan lamang magpakita ang mga beterano ng valid na Philippine Veterans Affairs Office (PVAO) Identification Card sa train personnel para mai-avail ang libreng sakay.
Libre ring makasasakay ang isang kasama ng beterano sa mga nabanggit na araw.
"Ito pong libreng sakay ng LRTA ay para bigyang-pugay at kilalanin ang sakripisyo at kagitingan ng mga beterano," ani LRTA Administrator Atty. Hernando Cabrera.
"Nawa’y maipadama namin sa simpleng paraan ang aming pasasalamat sa inyo," dagdag pa niya. #
Comments
Share Your ThoughtsBe the first to write a comment.
bottom of page
