top of page
Flag.gif
  • Facebook
  • X
  • Instagram

NEWS

Mobile shower ilulunsad sa Valenzuela

5/1/24, 3:50 AM

Dahil sa matinding init ng panahon at ilang water interruptions, maglulunsad ng dalawang mobile shower ang lokal na pamahalaan ng Valenzuela City.

Ayon kay Valenzuela City Mayor Wes ­Gatchalian, ang mga nasabing mobile shower ay layong makapaghatid ng libreng paliguan at tubig sa mga mahihirap na residente ng lungsod sa gitna ng tag-init.

"Ito po ay iikot dahil po may mga komunidad tayo na medyo may kaunting power interruption, at hindi po sila makaligo dahil walang kuryente sa kanilang bahay," saad ng alkalde.

"Kaya po sa pamamagitan po ng mobile shower natin, araw-araw [ay] papaikutin po natin… para po maiwasan natin ang sakit na mula sa heat wave na nararanasan natin ngayon," dagdag niya.

Bukod dito, magkakaroon din ng iikot na toilet truck na may walong shower cubicle, walong toilet cubicle, at anim na stainless steel hand washing sink sa lungsod.

Naglaan ang lokal na pamahalaan ng P12.75 milyon ang LGU para rito.

Ife-deploy din ang mga mobile shower at toilet truck sa evacuation centers ng lungsod sa panahon naman ng mga sakuna.

Ito ay bahagi ng “Pwestong Presko Project” ng Valenzuela LGU na una nang nagrasyon ng tubig sa 17 public schools na walang access sa mga water refilling stations.

Comments

Share Your ThoughtsBe the first to write a comment.
bottom of page