top of page
Flag.gif
  • Facebook
  • X
  • Instagram

NEWS

Milyon-milyong Pinoy nag-aabang ng P525-M jackpot sa Lotto 58

12/21/23, 1:00 PM

Tatlong araw bago mag-Pasko, tinatayang aabot sa P525 milyon ang magiging jackpot prize para sa Lotto 6/58 Ultra Lotto draw sa Biyernes (Disyembre 22).

Ang 6/58 lotto na lamang ang natatanging inaabangan ng nais maging super rich sapagkat napanalunan na ang P310-milyon jackpot sa 6/49 Super Lotto noong Martes.

Naging multi-millionaire ngayong kapaskuhan ang isang taga-Quezon City nang masungkit nito ang P310 milyon jackpot sa bola ng 6/49 Super Lotto.

Ang higit na kalahating bilyong jackpot naman para sa 6/58 Ultra Lotto ay patuloy na naghihintay ng tatanggap sapagkat walang sinuman sa milyon-milyong mananaya ang nakakuha ng tamang kombinasyon nito.

Pinanalunan ng ticket holder ng nagwaging kombinasyon na 30-16-33-29-25-12 ang kabuuang halagang P310,696,635.40 para sa Lotto 49.

Subalit babalatuhan muna ng maswerteng nanalo ang gobyerno ng 20 porsiyento ng jackpot sang-ayon sa TRAIN Law na kauna-unahang pinatupad ni Pangulo Rodrigo Duterte noong panahon niya.

Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office, ang mga nanalo ng anumang premyo sa lotto games ay mayroon isang taon mula sa bolahan upang kubrahin ang napanalunan.

Sakaling hindi ito magpakita sa loob ng panahon na iyon, ibibigay ang premyo sa PCSO Charity Fund.

Walang nanalo sa binanderang P513.1 million jackpot noong Martes na may kombinasyong 33-30-43-32-27-57.

Comments

Share Your ThoughtsBe the first to write a comment.
bottom of page