NEWS
Mga pulitiko may 'say' pa rin sa pamamahagi ng AKAP ayuda?
%20(9).jpeg)
Mga benepisaryo ng AKAP habang pinapaliwanagan ukol sa pagtanggap ng kanilang 'ayuda'. (Larawan mula sa Philippine News Agency)
2/4/25, 6:41 AM
Ni Tracy Cabrera
SENADO, Lungsod Pasay — Pinunto ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) undersecretary for policy and plans Adonis Sulit na kahit na sino ay maaaring isangguni ang mga benepisaryo para sa kontrobersyal na Ayuda Para sa Kapos ang Kita Program (AKAP) ng ahensya.
Inamin ito ng opisyal sa gitna ng pagsisiyasat ni Senadora Maria Imelda Josefa Remedios Imee Marcos ukol sa mga guidelines ng pagpapatupad ng AKAP.
"Ang sabi mo, iyong first step ay magsa-submit ng list. Saan galing iyong list?" tanong ng nakatatanda ng kapatid ni Pangulong Ferdinand 'Bongbong' Marcos Jr. sa hearing sa Senado.
Kasunod nito, inalam ng senadora kung kabilang ba sa sinasabing 'sinuman' ni Sulit ang mga politiko na pinagbawalan na ng Commission on Elections (Comelec) kaugnay ng nalalapit ng halalan sa Mayor ng taong kasalukuyan.
Tinugon ito ni Sulit ng "opo" para kumpurmahin na kabilang sa makakapagsangguni para sa AKAP ang mga politiko, ahensya ng pamahalaan, manbabatas at maging ang mga gobernador, mayor at punong barangay.
Sa kanila nito, nilinaw din ng opisyal na sa ilalim ng mga panukalang guideline binalangkas ng DSWD, Department of Labor Employment (DoLE) at National Economic Development Authority (NEDA), direktang makikinabang sa tulong ang mga benepisaryo ng hindi na kailangan pa ng anumang requirement o sinumang intermediary o middleman.
Sinabi rin ni Sulit na hindi rin papayagan ang presensya ng sinumang politiko o kaya'y maglagay ng mga poster o banner sa aktuwal na pamamahagi ng 'ayuda'.
