top of page
Flag.gif
  • Facebook
  • X
  • Instagram

NEWS

Mga Pinoy kulang sa soft skills para sa digital age

2/11/24, 3:30 AM

Ni MJ Blancaflor

Madalas na kulang ang kakayahan ng mga manggagawang Pilipino para sa digital age na nagiging hadlang para makasabay sila sa pag-usbong ng artificial intelligence at iba pang bagong teknolohiya, ayon sa isang pag-aaral.

Sa research na pinamagatang "Toward Measuring Soft Skills for Youth Development: A Scoping Study," na inilabas ng Philippine Institute for Development Studies (PIDS), tinukoy ang kakulangan ng mga Pilipino sa "Transversal Competencies" (TVC) o soft skills na kailangan sa digital era.

"As we move deeper into the 21st century, the need for a workforce proficient in TVCs becomes increasingly critical," sabi ng mga may-akda ng research.

Pag-aaral iyan nina De La Salle University Distinguished University Professor and University Fellow Allan Bernardo, PIDS Senior Research Fellow Jose Ramon Albert, dating Supervising Research Specialist Jana Flor Vizmanos, at Research Analyst Mika Muñoz.

Ayon sa kanila, nakakahadlang ito sa pagkakaroon ng oportunidad, economic competitiveness, at inobasyon sa bansa.

Dagdag pa ng mga may-akda, dapat daw ay magkaroon ng kolektibong aksyon mula sa mga paaralan, pamahalaan, at pribadong sektor upang muling tukuyin at bigyang prayoridad ang mga kinakailangang kasanayan sa trabaho.

Kasama na raw sa mga ito ang critical thinking at problem-solving skills, pati na epektibong komunikasyon, pakikipagtulungan, adaptability, self-motivation, at resilience.

Samantala, binigyang-diin ng pag-aaral ang kahalagahan ng paghahanda sa mga guro upang maturuan ng soft skills ang mga mag-aaral bago sila sumabak sa pagtatrabaho.

"A comprehensive strategy is needed to consider the purpose, domains, and types of assessments for TVCs. This strategy should not only support ongoing human capital development but also identify current workforce competency gaps," sabi nila.

"Ultimately, such a strategy will be crucial in cultivating a future-proof and competent Filipino workforce," dagdag pa ng mga may-akda ng pag-aaral.

Comments

Share Your ThoughtsBe the first to write a comment.
bottom of page