top of page
Flag.gif
  • Facebook
  • X
  • Instagram

NEWS

Mga no-show sa Senate hearing ukol sa flood control nangangamoy rehas?

8/25/25, 12:31 PM

Ni Ralph Cedric Rosario

Nanganganib na makaloboso ang 10 sa 15 malalaking contractor ng Department of Public Works and Highways na tumiba ng bilyon-bilyong pisong halaga ng mga proyektong flood control na hinihinalang overpriced o mga ghost projects.

Ito ay kung hindi pa rin sila sisipot sa susunod na hearing ng Senate Blue Ribbon Committee sa darating na Setyembre 1 at kung hindi katanggap-tanggap ang kanilang mga dahilan sa hindi pagdalo dito.

Ang may-ari at mga pangulo ng sampung malalaking construction firms ay ipina-subpoena na ni Senate President Francis “Chiz” Escudero matapos ang rekomendasyon ng komite na pinangungunahan ni Sen. Rodante Marcoleta.

Sa subpoena nakasaad na ang pag-snub nito ay maaaring ipagkahulugan na hindi paggalang sa Senado kung kaya’t may posibilidad na ma-deklarang in contempt ang sinumang lalabag sa ipinaguutos nito.

Una rito, hindi nakasipot ang mga opisyal ng sampung kumpanya sa hearing na naganap noong isang linggo. Karamihan sa kanila ay nagdahilan na pagkakasakit noong araw na sila ay ipinatawag ng Blue Ribbon panel.

Ang mga pinadalhan ng subpoena ay sina:

-Luisito R. Tiqui, pangulo ng L.R. Tiqui Builders Inc.

-Cezarah C. Discaya, pangulo ng Alpha and OMega General Contractors

- Lawrence R. Lubiano, pangulo ng Centerways Construciton

- Edgar S. ACosta, pangulo ng Hi-Tone Construction and Devt Corp.

-Marjorie O. SAmidan, managing officer ng MG Samidan Construction

-Romeo C. Miranda, pangulo ng AMO Royal Crown Monarch Construciton & Supplies Corp.

-Ma. roma Angeline D. Rimando, pangulo ng St. Timothy Construction Corp.

-Aderma Angeline D. Alcazar, CEO at pangulo ng Sunwest Inc.

-Eumir Villanueva, pangulo ng Topnotch Catalyst Builders Inc.

-Mark Allan V. Arevalo, general manager ng Wawao Builders

Comments

Share Your ThoughtsBe the first to write a comment.
bottom of page