top of page
Flag.gif
  • Facebook
  • X
  • Instagram

NEWS

Metro Manila isinailalim sa state of calamity

7/26/24, 1:22 PM

Idineklara na ang state of calamity sa Metro Manila dahil sa pagbaha at pag-ulan na dala ng Bagyong Carina (internasyonal na pangalan Gaemi) at ang habagat.

Inanunsyo ito ni Interior Secretary Benjamin Abalos matapos makipagpulong sa Metro Manila Council o mga alkalde ng rehiyon nitong Miyerkules, Hulyo 24.

Pumayag ang 12 alkalde na naroroon sa state of calamity declaration.

Ang deklarasyon ng state of calamity ay magbibigay-daan sa mga lokal na pamahalaan na ma-access ang kanilang emergency at calamity funds para sa pagpapaabot ng tulong at ayuda sa mga apektadong residente.

Kapag nasa ilalim ng state of calamity ang isang lugar, nagkakaroon din ng price ceiling sa mga pangunahing pangangailangan at bilihin at naglalaan ng pondo para sa pagkukumpuni at kaligtasan ng publiko.

Sinusubaybayan din ng mga awtoridad ang posibleng overpricing ng mga pangunahing bilihin, gamot, at produktong petrolyo.

Ang pag-aangkat at donasyon ng pagkain, damit, gamot, at kagamitan para sa relief at recovery ay pinahihintulutan din.

Noong 4:30 ng hapon, iniulat ng mga awtoridad na taas-gutter o hanggang dibdib ang ilang baha sa mga lungsod ng Mandaluyong, Maynila, Marikina, Navotas, Quezon, Pasay, Taguig, Pasig, atValenzuela.

Noong ika-5 ng hapon, idineklara ng Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration na Super Typhoon na si Carina.

Itinaas din ang red warning level sa Metro Manila, Rizal, Bataan, Zambales, Bulacan, at Pampanga.

Samantala, suspendido na rin ang klase sa lahat ng antas at trabaho sa mga tanggapan ng gobyerno sa Metro Manila, Rehiyon II, at IV-A sa Huwebes, Hulyo 25.

Comments

Share Your ThoughtsBe the first to write a comment.
bottom of page