NEWS
Malaysian isa sa dalawang nasawi sa helicopter crash sa Pililia, Rizal

Photo from www.sunstar.com.ph
3/3/26, 9:23 AM
Ni Samantha Faith Flores
ANTIPOLO CITY - Dalawa katao ang namatay at tatlo pa ang nasugatan sa pagbagsak ng isang helicopter sa Pililia, Rizal nitong Martes ng umaga (Marso 2).
Ayon sa Civil Aviation Authority of the Philippines angnag-crash na chopper ay isang Bell 505. Ito ay may limang pasahero, dalawa sa kanila mga banyaga.
Nag-takeoff ang helicopter sa Manila at patungo sana sa Quezon nang ito ay bumagsak sa Barangay Quisao, Pililia bbandang 7:20 ng umaga noong Martes.
Sa pahayag ni Pililia Mayor John Masinsin napagalaman na ang isa sa mga nasawi ay deklaradong dead on the spot sa crash site habang ang ikalawa naman ay dead on arrival sa ospital.
Isa sa dalawang Malaysian na lulan ng helicopter ang nasawi.
Agaw-buhay naman umano ang piloto sa Rizal Provincial Hospital. Dalawa pang pasahero ang nagtamo rin ng mga sugat at ginagamot sa nasabing ospital.
Inaasahang itakbo sa higit na malaki at kumpletong ospital sa Metro Manila.
Sinabi ng CAAP report na ang helicopter ay nagkaroon ng matinding damage.
Isasagawa ang ahensya ang imbestigasyon sa pamamagitan ng Aircraft Accident Investigation and Inquiry Board.
Inaalam pa kung bumagsak na o nag-crash landing ang sasakyang pamhimpapawid.
