top of page
Flag.gif
  • Facebook
  • X
  • Instagram

NEWS

Madreng Filipino nagpaiwan sa Gaza, humiling ng dasal para matapos ang patayan

2/22/24, 9:50 AM

Naitakas na mula sa panganib ng digmaan sa Gaza strip ang lahat halos ng mga Pilipinong naipit doon pwera sa isang madre.

Ang Katolikong madre na nakilala lamang sa pangalang Sister Elizabeth ay sadyang nagpa-iwan upang patuloy na tumulong sa mga biktima ng digmaan na naiipit sa labanan ng Israel at mga gerilyang Hamas.

Humiling si Sister Elizabeth ng dasal sa kanyang mga kababayan upang matapos na ang pagdanak ng dugo sa Gaza.

Umaabot na umano sa 26,000 katao, karamihan mga Palestiino ang namamatay simula ng lusubin ng mga sundalong Israeli ang Gaza noong Oktubre.

Ang pag-atake sa Gaza ay paraan ng Israel upang tugisin at maghiganti sial laban sa mga Hamas na pumatay ng halos 2,000 Israeli sa isang sorpresang pag-atake sa komunidad ng mga sibilyan noong Oktubre 7.

Sa 137 na Pilipinong nasa Gaza simula nang sakupin ng Israel ang malaking bahagi ng Gaza noong Oktubre, 2023, 136 na ang nasa ligtas na katayuan matapos na sila ay matulungan makatakas mula sa masalimuot na sitwasyon sa Gaza.

Nitong Huwebes (Pebrero 22) inanunsyo ng Department of Foreign Affairs (DFA) na ang pinakahuling batch na nakalisan ay ang 14 na Pilipino na pawang nakarating na sa Pilipinas noong Miyerkules.

“Ang update natin is kumpleto na ang repatriation… Kaya pwede nating sabihin na kumpleto na, successful repatriation,” masayang sinabi ni DFA Undersecretary Eduardo De Vega.

Ngunit inamin niya na patuloy nilang minamatyagan ang katayuan ng isang Sister Elizabeth na nakiusap na maiwn na lang sa Gaza.

Ayon kay De Vega hindi nila napilig iuwi si Sister Elizabeth sapagkat nais niyang maipagpatuloy ang misyon niya sa magulong lugar ng Gaza.

!
bottom of page