top of page
Flag.gif
  • Facebook
  • X
  • Instagram

NEWS

Maco landslide death toll - 68 na: Pag-asang makahanap ng buhay nalulusaw

2/12/24, 1:25 PM

Unti-unti nang naglalaho ang pag-asang makatagpo pa ng buhay ang mga rescuers sa Maco landslide matapos na matagpuan sa nakaraang 36 oras ang bangkay ng 32 katao mula sa gumuhong lupa.

Umabot sa 68 ang death toll at bumaba naman sa 44 ang hindi pa natatagpuan, ayon sa report na pumasok ng Lunes (Pebrero 12).

Inihayag ng Management of the Dead and the Missing (MDM) na 26 sa mga nasawi ay mga empleyado ng Apex Mining habang ang 42 iba pa ay pawang mga residente ng Zone 1 ng Barangay Masara sa Maco Davao de Oro.

Bumaba ang pag-asang makatagpo pa ng mga buhay sa lugar na pinagguhuan ng lupa, apat na araw matapos makakita ang mga rescuers ng dalawang batang buhay mula sa landslide area.

Ang dalawang bata, parehong babae, ay nailigtas halos 60 oras matapos na sila ay maulat na nawawala at pinangambahan pumanaw na.

Ang landslide ay sanhi umano ng patuloy na ulan sa nakaraan mga linggo. Libo-libong residente ng Maco ang lumisan sa kani-kanilang tahanan ngunit marami ang nanatili sa kanilang lugar.

Ang Barangay Masara ay komunidad ng mga pamilya at minero ng Apex.

Ang lugar ay napapagitnaan ng mga bundok. Karamihan sa mga nakatira sa komunidad ay mga nagtatrabaho sa mga minahan ng ginto sa Maco.

Comments

Share Your ThoughtsBe the first to write a comment.
bottom of page