top of page
Flag.gif
  • Facebook
  • X
  • Instagram

NEWS

Lolo, 73, ginilitan sa leeg ang asawa, 70, sa Cebu

Photo from tnt.abante.com.ph

9/10/24, 7:20 AM

Nilaslas ng isang septuagenarian ang leeg ng kanyang 70-taon gulang na asawa nang mag-away ang dalawa sa loob ng kanilang bahay sa Oslob, Cebu noong Biyernes (Setyembre 6), ayon sa lokal na pulisya.

Hindi pa pinangalanan ng mga imbestigador ang mag-asawa ngunit inihayag ng mga ito na ang salarin sa pagkamatay ng matandang babae ay ang mismo niyang asawa na may edad na 73.

Ayon kay Major Jude Cebrero, hepe ng Oslob Police Station, nagkaroon ng pagtatalo ang mag-asawa sa loob ng kanilang tahanan sa Barangay Upper Calumpang noong gabing maganap ang insidente.

Sa kainitan ng matinding sagutan, napikon umano ang lalaki at kumuha ng karit. Sa pamamagitan ng karit, inatake nito ang asawa at ginilitan sa leeg.

Bukod sa tama sa leeg, pinagsasaksak pa rin ng suspek ang kanyang asawa hanggang sa ito ay mamatay.

Ang insidente ay na report sa pulisya kinabukasan. Nakatasan na noon ang salarin at ang katawan na lang ng kanyang biktima ang natagpuan sa lugar ng krimen.

Ang suspek ay na-aresto sa Barangay Basak, Mandaue City noong Sabado. Kasong parricide ang isasampa laban sa kanya.

Comments

Share Your ThoughtsBe the first to write a comment.
bottom of page