NEWS
Ligaw na bala pumatay sa kindergarten pupil sa Maguindanao
.webp)
Photo from balita.mb.com.ph/
2/11/26, 9:31 AM
Patay ang isang limang taong gulang na bata nang tamaan ng isang ligaw na bala habang nag-aaral sa kindergarten class ng biktima sa Datu Piang, Maguindanao del Sur.
Kinumpirma ni Datu Piang Police chief Capt. Oriel Siangco ang trahedya na nangyari umaga ng Miyerkules (Pebrero 11).
Hindi na naitakbo sa ospital ang biktima na nasawi sa kanyang kinaroroonan. Isang gama ng bala sa likuran ng kanyang ulo ang kumitil sa kanyang buhay,
Naniniwala ang mga pulis na ang bala ay galing sa patuloy na palitan ng putok sa kalapit na lugar ng Damabalas Elementary School sa Datu Piang.
Ngunit patuloy pa rin ang imbestigasyon ng mga imbestigador ng Philippine National Police. Inaalam nila kung sino ang dapat managot sa sinapit ng bata.
Kinondena ni Bangsamoro leader Datu Ali Ebrahim ang pagkamatay ng inosenteng biktima.
“Kinokondena namin ang patuloy na bakbakang nagaganap sa Kudarangan Nabalawag, Special Geographic Region. Isang ligaw na bala mula sa nasabing lugar ang tumama at nakapatay sa isang kinder pupil nbg Damabalas Elementary Schoo, mismo sa likuran ng kanyang ulo,” sinabi ni Ebrahim.
Ikinalungkot naman ni Maguindanao del Sur Rep. Esmael “Toto” Mangudadatu ang nangyari. Hinikayat niya ang mga mamamyan na suportahanang programang “balik baril” ng pamahalaan.
“Nakakadurog ng puso na ang biktima ay isang inosenteng estudyante,” ayon kay Mangudadatu.
