top of page
Flag.gif
  • Facebook
  • X
  • Instagram

NEWS

Kris Aquino patuloy na lumalaban sa kabila ng lumalalang sakit

1/22/24, 4:50 AM

Ni MJ Blancaflor

Kumusta na ba ang Queen of All Media?

Patuloy na lumalaban si Kris Aquino sa kabila ng lumalala niyang kalagayan.

Sa pamamagitan ng Instagram posts nitong weekend, nagkwento ang TV host-actress sa lagay ng kanyang kalusugan at ipinakita niya ang ilang videos kung saan siya binibigyan ng gamot ng kanyang doktor.

"My battle has become more complex, but I promised my sons and my sisters — I won’t be a wimp. And I’m pro­mising all my friends plus all who continue to pray for me: bawal sumuko, tuloy pa rin ang laban," sabi ni Kris.

Ngayon na lang daw ulit siya nagbahagi ng kanyang larawan at videos sa social media dahil bumaba raw ang kanyang timbang matapos mawalan ng ganang kumain bago mag-Pasko.

Kwento pa ni Kris, na magdidiwang ng kanyang 53rd birthday sa Pebrero 14, mahinang-mahina raw ang kanyang pakiramdam at madalas daw siyang nahihilo.

"I was having dizzy spells, and my BP had very weird fluctuations," saad niya.

Pagpapatuloy niya: "Twice, I had my blood drawn and the last was for a thorough autoimmune blood panel. It took almost 2 weeks to get my results."

Ibinahagi rin ni Kris na nakakaramdam siya ng sintomas ng lupus, isang autoimmune disease na nagdudulot ng mga pantal sa kanyang balat.

"It's highly likely... that I'm at the initial stage of SLE (Systemic lupus erythematosus) or what's commonly known as lupus."

Sa kabila ng mga pagsubok, matatag pa rin daw ang kanyang pananampalataya sa Diyos.

"My faith is still strong," ani Kris, na nagpasalamat din sa kanyang mga kaibigan at fans na sumusuporta at nagdarasal para sa bumuti ang kanyang kalusugan.

Nakatutok daw siya ngayon sa kanyang diet upang madagdagan ang kanyang timbang.

Kinakailangan daw ito upang mabigyan siya ng nararapat na gamot tulad ng Rituxin.

Nasa Estados Unidos si Kris simula pa noong Hunyo 2022 para magpagaling.

Comments

Share Your ThoughtsBe the first to write a comment.
bottom of page