top of page
Flag.gif
  • Facebook
  • X
  • Instagram

NEWS

Kawalan ng trabaho sa bansa tumaas noong Pebrero

4/8/25, 6:42 AM

Ni Samantha Faith flores

Tumaas sa 3.8 porsiyento ang unemployment rate sa bansa noong Pebrero, 2025 kumpara sa 3.5 porsiyento isang taon na ang nakararaan.

Ito ang ipinahayag ng Philippine Statistics Authority na nagsabing a dami ng mga indibidwal na walang trabahoo noong Pebrero ay 1.94 milyon. Ito ay mataas sa 1.80 milyon noong Pebrero, 2024.

Ayon sa National Economic and Development Authority ang pagdami ng walang trabaho ay dahil sa dumami ang mga kabataang naghahanap ng trabaho sa panahon na nabanggit.

Ngunit ayon din sa pinakahuling Labor Force Survey ang dami ng walang trabaho nooong Pebrero ay maliit kumpara sa 4.3 porsiyento na unemployed na naitala noong Enero.

Tinatayang 2.16 milyon katao ang naitala sa mga walang trabaho noong Enero, 2025.

Sinabi ng NEDA na ginagawa ng Marcos administration ng akmang pagkilos ang isyu sa unemployment sa bansa.

Samantala, nagpahayag ang PSA na ang underemployment rate ay bumaba sa 10.1 percent noong Pebrero 2025 mula sa 12.4 porsiyento noong Pebrero.

Mababa rin ang dami kumpara sa 13.3 porsiyento noong Enero, 2025.

Ayon din sa NEDA ang kalidad ng trabaho ay bumubuti taon-taon. Higit na maraming manggagawa ang full time na nakapagta-trabaho (+1.7 milyon); mid.

Nilinaw ng NEDA na ang unemployment rate sa Pilipinas ay maikukumpara sa ibang mga bansa sa Asya kasama ang Malaysia na may 3.1 porsiyento; Vietnam 2.2 porsiyento, China 5.4 porsiyento at India 6.4 porsiyento.

Comments

Share Your ThoughtsBe the first to write a comment.
bottom of page