NEWS
Kauna-unahang tagpas presyo ng gasolina sa 2026, posible sa Martes?

Photo from rappler.com
2/21/26, 4:16 AM
Ni Ralph Cedric Edralin
Sa kauna-unahang pagkakataon ngayon 2026, paurong naman ang magiging presyo ng gasolina sa darating na linggo.
Inaasahang bababa sa PhP0.45 kada litro ang kasalukuyang presyo ng gasolina dahil umano sa magandaing indikasyon ng merkado para sa Mean of Platts Singapore.
Ngunit sakaling magtaas man ang kada litro ng produkto, hindi na umano ito aakyat pa sa PhP0.10.
Ang presyo ng krudo ay inaasahang umakyat mula PhP0.40 hanggang PhP0.60 samantalang PhP0.10 naman ang itataas ng kerosena.
Ayon sa Oil Industry Management Bureau of Department of Energy ang takbo ng mga presyo ng produktong krudo ay dahil sa patuloy na tensyon sa Middle East at ang kasalukuyang Russia-Ukraine conflict.
Nagkaroon ng pangamba sa merkado matapos na maglabas ng warning si US President Donald Trump ukol sa US-Iran nuclear negotiations at ang drone strike na isinagawa sa puerto sa Russia Black Sea.
Dahil dito, nagambala ang takbo ng suplay sa ibat ibang bahagi ng mundo.
Ngunit hindi lubhang apektado ang suplay ng gasolina, ayon sa mga eksperto.
