top of page
Flag.gif
  • Facebook
  • X
  • Instagram

NEWS

Kaufman nakikiramay mga biktima ng drug war; idiniin na inosente si Duterte

Photo from maritimefairtrade.org

2/28/26, 8:45 AM

Nakikiramay si Atorni Nicholas Kaufman sa mga biktima ng madugong drug war ni dating Pangulong Rodrigo Duterte at wala siyang intensyon na bale-walain ang lungkot at sakit na kanilang nararamdaman.

Ito ang idiniin ni Kaufman, punong tagapagtanggol ni Duterte sa International Criminal Court, tungkol sa kanyang mga binitiwang salita sa harap ng Pre-Trial Chamber na hindi dapat idaan sa emosyon ang pagsuri ng ebidensya laban sa kanyang kliyente.

Tila tinukoy ni Kaufman ang pag-iyak ng isang babae na nanonood mula sa gallery ng pagdinig ng confirmation of charges sa The Hague.

“Because in every case in the ICC, the victims are always center because this court is set up to counter impunity. But that has nothing to do with whether or not someone who’s brought before this court is criminally responsible,” paliwanag ng legal counsel ni Duterte na isang British-Israeli.

Idinagdag niya: “I don;’t make light of grief. However, having said that, I have a job to do and my job is to defend someone who I believe has been wrongly charged.”

Si Llore Pasco, isang senior citizen na nawalan ng dalawang anak sa anti-drug war ni Duterte, ang napaiyak sa gallery. Dinamdam niya ang tila pagmamaliit ni Kaufman sa mga nararamdamang pait sa damdamin ng mga pamilya ng biktima na katulad niya,

“Parang walang halaga sa kanya ang paghihirap ng aming kalooban,” sinabi ni Pasco sa news media.

Ayon kay Pasco, pawang mga kasinungalingan ang iprinisintang argumento at ebidensya ng Duterte defense team.

Comments

Share Your ThoughtsBe the first to write a comment.
bottom of page