top of page
Flag.gif
  • Facebook
  • X
  • Instagram

NEWS

Kaso ng flu-like illness, Covid-19 pababa na

2/16/24, 9:10 AM

By MJ Blancaflor

Bumababa na ang naitatalang kaso ng influeza-like illness (ILI) at Covid-19 sa bansa, ayon sa Department of Health (DOH).

Sa isang pahayag na inilabas noong Biyernes, Pebrero 16, sinabi ng DOH na may 16,155 kaso ng ILI na iniulat mula Enero 1 at Pebrero 3 ngayong taon.

Ito ay 19% na mas mababa kumpara sa 19,935 kaso ng ILI na na-detect sa parehong buwan noong 2023.

Nakita rin ang 10% na pagbaba sa mga kaso ng ILI mula Disyembre 24 hanggang Enero 6, 2023 (8,199 kaso) at sa Enero 7 hanggang Enero 20, 2024 (7,372 kaso).

Sa kabila nito, may nakitang pagtaas ng kaso sa Ilocos Region, Calabarzon, SOCCSKSARGEN, Caraga, at BARMM sa nakaraang tatlo hanggang apat na linggo o mula Enero 7 hanggang Enero 20, 2024.

Nakita rin ang pagbaba sa dami ng Covid-19 cases.

Mula Pebrero 6 hanggang 12, 94 na bagong kaso ng Covid-19 ang average na naitatala bawat araw.

Ito ay 35% na mas mababa kumpara sa average na bilang ng mga kasong naitala sa bawat araw noong Enero 30 hanggang Pebrero 5.

Patuloy ang pagmo-monitor ng DOH sa ILI at Covid-19 at nagpapaalala sa publiko na sundin pa rin ang health protocols tulad ng paghuhugas ng kamay, pagtiyak ng tamang bentilasyon, at pagtatakip ng bibig kung uubo upang hindi na makapanghawa pa.

Comments

Share Your ThoughtsBe the first to write a comment.
bottom of page