NEWS
Kahit walang bangkay, mahahatulan mga dumukot, pumatay sa missing sabungeros - DOJ

7/9/25, 9:40 AM
Kahit hindi matagpuan ang mga bangkay ng higit sa 34 na nawalalang sabungero, mapapanagot pa rin sa mga kasong kriminal ang mga taong nasa likod ng pagdukot sa mga biktima, ayon sa Department of Justice.
Samantala, mariing pinabulaanan ni Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) chairman Felix Reyes ang paratang ng whistleblower na si Dondon Patidongan, alyas Totoy, na siya ang tagapag-ayos ng mga kaso sa korte ng negosyanteng si Charlie “Atong” Ang.
“I categorically deny such wild accusations of Mr. Patidongan. I dare him to identify any specific case of Mr. Atong Ang or anything related to the Sabungero case, which I understand is still pending in court, that I fixed or settled to the advantage of Mr. Ang,” sinabi ni Reyes, isang retiradong huwes ng Regional Trial Court.
Sa mga panayam sa news media, sinabi ni Patidongan na isang retired RTC judge ang tumatayong fixer ni Ang ng kanyang mga kaso.
Kadalasan umano, sinasamahan ng huwes ang mga prosecutor at mga huwes sa pagliliwaliw sa ibang bansa bilang isa sa paraan ng panunuhol upang ipanalo ang mga kaso ng negosyante.
Samantala, kampante si DOJ Asst. Secretary Jose Dominic F. Clavano na mapapatunayang nagkasala at mahahatulan ng korte ang mga nasa likod ng pagkawala at pagpatay sa mga missing sabungero kahit hindi na matagpuan ang bangkay ng mga biktima.
“Conviction is still possible without producing the bofdy as long as you p;rove the fact of death in court,” paliwanag ni Clavano sa mga mamamahayag.
Nababahala umano ang mga pamilya ng nawawalang sabungero na posibleng hindi na matagpuan ang mga labi ng kani-kanilang kaanak sapagkat may tatlong taon na rin ang nakaraan nang sila ay dukutin.
Kasalukuyang nagsasagawa na ang mga awtoridad, sa tulong ng teknolohiya ng Japan, ng paghahanap sa mga bangkay na umanoy itinapon sa Taal Lake sa Batangas matapos na sila ay pagsasakalin.
Si Patidongan din ang nagsabi sa mga imbestigador na sa Taal Lake nga itinapon ang mga bangkay.
