NEWS
Israel-Hamas war matatapos na? 34 Hamas hostages ipapalit sa 1,000 Palestino nasa Israel

Photo from goodmorningamerica.com
1/16/25, 8:52 AM
Inaasahang magwakas na ang digmaan ng Israel at Hamas na umabot na naging sanhi ng pagkamatay ng libo-libong tao matapos na pagpapatayin ng mga militanteng Palestino ang higit sa 1,200 indibidwal, kasama ang maraming bata, sa paglusog nila sa Israel noong Oktubre 7, 2023.
Sa kasunduan ng magkabilang kampo, magkakaroon ng ceasefire sa Gaza na kinubkob ng Israeli military upang iligtas ang lagpas sa 100 hostages na itinakas ng mga Hamas noong Oktubre 7.
Libo-libong Palestino ang namatay sa pag-atake ng Israel na pumayag na rin pansamantalang itigil ang pagbobomba sa Gaza upang isuko na ng mga militante ang mga bihag at upang maipaghiganti ang ginawang massacre ng Israel civilians noong 2023.
Ang kasunduan ng dalawang kampo ay pinagitnaan ng Estados Unidos.
Ayon kay outgoing US President Joe Biden ang temporary ceasefire ay inaasahan niyang maging “permanent end of the war.”
Ngunit matapos ang deal ng dalawang naggi-giyera, nagpatuloy pa rin ang pagbobomba ng Israel na ikinasawi ng 45 katao sa Gaza City.
Ayon sa kasunduan ang unang yugto ng ceasefire ay ang pagpapakawala ng 33 hostages na nasa kamay ng mga Hamas at mga kaalyado nito.
Ang mga bihag ay 94 sa 250 kataong ginawang human shield ng mga Hamas sa kanilang pagtakas mula sa pag-atake sa Israel noong 2023.
May 34 na sa mga hostage ang namatay sa kamay ng mga militante, ayon sa pamahalaan ng Israel. Subalit naniniwala ang ilan na higit pa sa numerong ito ang pinatay na ng mga Hamas.
Sa natitirang bihag, 81 ay kalalakihan samantalang 13 naman ang babae.
Bilang kapalit, isasauli naman ng Israel ang 1,000 Palestinong dinakip nila noong Oktubre 8, 2023. Ang mga ito ay hindi umano kasali sa grupong nag-masaker.
