top of page
Flag.gif
  • Facebook
  • X
  • Instagram

NEWS

Isa sa bawat 5 pamilya nakaranas ng gutom

6/30/25, 8:38 AM

Ni Tracy Cabrera

DILIMAN, Lungsod Quezon — Dalawampung porsyento ng mga pamilyang Pilipino, o mahigit 11 milyon, ang nakaranas ng gutom sa unang yugto ng taon, ayon sa survey firm na Social Weather Stations (SWS).

Isinagawa ang survey mula Abril 23 hanggang 28 ng kasalukuyang taon at inilarawan dito na isa sa limang pamilya ang nakaranas ng 'involuntary hunger' mula Enero hanggang Marso.

Habang bahagyang mataas ito sa 19.1 porsyentong naitalang noong Abril, ang resulta ng latest survey ay itong punto na mas mababa sa 27.2 porsyento noong Marso at halos katumbas 20.2 porsyentong average ng nakaraang taon.

Batay sa SWS poll, kinabibilangan ang latest hunger rate sa bansa ng 16.4 porsyentong mga respondent na nagsabing nakaranas ang kanilang pamilya ng 'moderate hunger' (umangat mula sa 15.2 porsyento sa ikalawang linggo ng Abril subalit mababa mula sa 21 porsyento ng Marso) at 3.6 porsyentong nakaranas ng 'severe hunger' (bumaba mula sa 3.9 porsyento sa ikalawang linggo ng Abril at 6.2 porsyento ng Marso).
Ang 'moderate hunger' ay tinukoy bilang nakakaranas ng gutom “minsan lang” o “ilang beses” sa huling tatlong buwan habang ang 'severe hunger' nama'y inilarawan bilang “madalas” o “palaging” nakakaranas ng gutom sa huling tatlong buwan.

Naitalang pinakamataas ang gutom sa Mindanao sa iskor na 26.3 porsyento, kasunod ang Kalakhang Maynila sa 20.3 porsyrnto, Kabisayaan sa 19.7 porsyento at ang nalalabi sa Luzon sa 17 porsyento.

Gaya ng resulta sa mga nakaraang survey ng SWS, lumitaw ang involuntary hunger bilang mas laganap sa mga mahihirap na pamilya na nasa 25.9 na porsyento habang14.1 porsyento lang ang nakita sa mga non-poor na pamilya.

Comments

Share Your ThoughtsBe the first to write a comment.
bottom of page