top of page
Flag.gif
  • Facebook
  • X
  • Instagram

NEWS

Inflation bumilis ng 3.4% noong Pebrero

3/5/24, 12:55 PM

Ni MJ Blancaflor

Ramdam mo ba na mas nagmahal ang mga produkto?

Muling bumilis ang inflation o pagtaas ng presyo ng mga bilihin sa bansa noong Pebrero, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).

Inanunsyo ng PSA nitong Martes, Pebrero 5, na nakapagtala ang bansa ng 3.4% inflation rate noong nakaraang buwan, mas mabilis kumpara sa 2.8% rate noong Enero.

Pasok iyan sa 2.8% hanggang 3.6% na forecast ng Bangko Sentral ng Pilipinas.

Partikular na nagtaas ang presyo ng pagkain at non-alcoholic na inumin sa 4.6% noong Pebrero kumpara sa 3.5% noong Enero, saad ng PSA.

Sabi pa ng ahensya, nasa 15.5% ang rice inflation sa National Capital Region noong nakaraang buwan, mas mabilis sa 14.6% noong Enero.

Bumilis din sa 1.2% ang pagtaas ng presyo ng pamasahe sa buong bansa.

Dagdag ng PSA, nasa 8.6% ang inflation rate sa alak at sigarilyo, mas mabilis kumpara sa 8.4% noong Enero.

Sinisisi ang inflation kung bakit hindi nakamit ng bansa ang growth target nitong 6% noong nakaraang taon.

Comments

Share Your ThoughtsBe the first to write a comment.
bottom of page