top of page
Flag.gif
  • Facebook
  • X
  • Instagram

NEWS

Ilang paaralan sa Maynila lilimitahan ang klase dahil sa matinding init

4/12/24, 6:50 AM

Ni MJ Blancaflor

Lilimitahan ng ilang paaralan sa Maynila ang pagdaraos ng face-to-face classes dahil sa mataas na temperatura na nararanasan sa bansa.

Sa inilabas na Memorandum No. 140 s. 2024 ng Division of City Schools (DCS) of Manila, ang face-to-face classes sa mga pampublikong paaralan sa lungsod ay idadaos lamang tuwing 6 a.m. hanggang alas-dose ng tanghali mula Abril 11 hanggang Mayo 28.

Sakop ng nasabing memorandum ang mga pampublikong paaralan sa antas ng elementarya at sekondarya.

Samantala, isasagawa ang asynchronous or distance learning modes sa mga klaseng tatamaan.

"Schools are encouraged to re-calibrate the class schedules in adherence to the time allotment prescribed in DepEd Order No. 21, s. 2019: Policy Guidelines on the Kto12 Basic Education Program. Proper dissemination of information to all school stakeholders on the change in schedule is enjoined," ayon sa memorandum na pirmado ni Education Supervisor Nerissa Lomeda.

Sa kabila nito, required pa ring pumasok sa eskwela ang mga guro kahit na naka-online classes ang kanilang mga mag-aaral.

Kinakailangan daw ito para makapaghanda sila ng activity sheets, learners' output, at year-end tasks.

Hinihikayat naman ang Public Schools District Supervisors (PSDS) sa lungsod na magbigay ng teknikal na tulong sa mga paaralan para mai-adjust ang pagsasagawa ng face-to-face classes at tiyaking masusunod ang mga pamantayan.

Sa pagtataya ng state weather bureau PAGASA, tinatayaang aabot sa 42 degrees Celsius hanggang 44 degrees Celsius ang heat index sa ibang bahagi ng Luzon at Mindanao.

Comments

Share Your ThoughtsBe the first to write a comment.
bottom of page