NEWS
Hulyo 17 idineklara bilang National Cardiopulmonary Resuscitation Da
.jpg)
4/2/24, 3:45 AM
Ni MJ Blancaflor
Idineklara ni Pangulong Bongbong Marcos ang Hulyo 17 ng bawat taon bilang National Cardiopulmonary Resuscitation (CPR) Day upang isulong ang pangangalaga ng kalusugan ng mga Pilipino.
Pinirmahan ng Pangulo ang Proclamation No. 511 noong nakaraang linggo na nag-aatas sa Department of Health upang manguna sa paghahanda, koordinasyon, organisasyon, pagpapatupad, pagsubaybay at pagsusuri ng mga hakbangin at programa ng taunang pagdiriwang ng National CPR Day.
Sa nasabing proklamasyon, binigyang-diin din niyang ang CPR ay isang "lifesaving technique" na magagamit sa iba't ibang emergencies tulad ng atake sa puso o pagkalunod.
"There is a need to instill and continuously promote health consciousness among Filipinos by equipping them with the necessary information, knowledge, behavior, and skills to respond to health emergencies, including bringing CPR in every home as an emergency procedure," ani Marcos.
Bukod dito, inatasan din ng Pangulo ang lahat ng ahensiya ng gobyerno na lumahok sa pagdiriwang ng National CPR Day.
Hinikayat din niya ang non-government organizations at mga pribadong kompanya na makiisa sa nasabing pagdiriwang.
