top of page
Flag.gif
  • Facebook
  • X
  • Instagram

NEWS

Hontiveros nanawagan para sa mas mahigpit na regulasyon sa online gambling

7/15/25, 6:08 AM

Ni Tracy Cabrera

SENADO, Lungsod ng Pasay — Sa napunang paglaganap ng online gambling na dahilan umano ng adiksyon ng maraming Pilipino sa sugal, isinusulong ni Senadora Ana Theresia 'Risa' Hontiveros-Baraquel na magpatupad ng mas Mahigpit na regulasyon upang maiwasan ang itinuturing na bisyo ng karamihan.

Sa panayam, ikinatuwiran ni Hontiveros na kailangang isaayos ang polisiya ng regulasyon sa online gambling dahil sadyang nang nahuhuli ang ating mga batas sa kasalukuyan sa mabilis na paglago ng digital technology na siyang ginagamit sa iba't ibang uri ng sugal sa mga mobile app at nagpapalala sa problema ng adiksyon sa sugal.

Hinayag ng senadora na sa nakalipas na ilang buwan ay nakatanggap sila ng maraming kahilingan ng tulong mula sa mga pamilyang lubhang naaapektuhan ng online gambling addiction na ang karamihan ay nagkabaun-baon sa utang dahil sa pagkalulong sa sugal ng isa o ilang miyembro ng kanilang pamilya.

“What’s clear is that our laws are being left behind by the rapid pace of technology. That’s why we’ve filed a bill to limit access to online gambling, particularly in e-wallets and super apps,” pinunto ni Hontiveros.

Idiniin niya na ang hindi nasasawatang paglago ng mga digital betting platform ay nagpapagrabe ng situwasyon dahil naging madali para sa publiko na magsugal sa anumang oras at lugar.

“While major casino operators have committed to responsible gaming, digital platforms must also uphold similar standards. If big casinos say they are following regulations, that’s well and good. That means there should be no issue if we tighten access to online gambling,” kanyang tinukoy.

Comments

Share Your ThoughtsBe the first to write a comment.
bottom of page