NEWS
Gusto mo bang umabot ng 100 taong gulang?
.jpg)
10/1/24, 8:25 AM
HINAYAG ng mga siyentista ang Top 3 Lifestyle Choices na kailangang sundin para sa mga nagnanais na umabot ng 100 taong gulang o labis—at hindi kasama rito ang pagtigil sa pag-inom ng alak o pagbabawas ng timbang.
Ayon sa mga health experts sa China
, ang hindi paninigarilyo, pag-eehersisyo ng regular at pagkain ng iba’t ibang pagkain ang pinakamahalagang bagay na kailangang gawin upang mabuhay sa mahabang panahon.
Sinabi pa ng mga ito na walang kinalamanan sa haba ng buhay ng isang indibiduwal ang edukasyon, marital status at alcohol consumption. Kaya nga parehas lang ang posibilidad na magawa ito ng mga taong naninirahan sa lungsod o lalawigan.
At ang mas mataas na body mass index (BMI) score ay makakatulong para mabuhay sa mahabang panahon, kahit noong kabataan ay nagtiyaga silang magpababa o magbawas ng timbang.
Ang pinakamatandang tao ay si Maria Branyas ng Espanya na ang edad ay nasa 117 taon.
Ang pinakamatandang lalaki sa mundo ay ang Briton na si John Tinniswood, na nagdiwang ng kanyang ika-112 kaarawan noong Agosto 26. Ayon kay Tinniswood, kinikredito niya ang kanyang mahabang buhay sapagkain ng isda tuwing Biyernes.
Sa pananaliksik ng mga researcher ng Fudan University sa Shanghai, pinapakita ng resulta ng kanilang pag-aaral ang halaga ng healthy lifestyle (HLS), kahit may edad na at ito’y dahil sa hindi pa huli ang lahat.
Kakailanganin umano ang mga special lifestyle improvement strategy at nararapat lang na isulong ang mga benepisyo ng healthy living sa lahat ng tao sa anumang edad.
Itinutulak din nila sa mga bumabalangkas ng polisiya na gumawa ng bagong BMI scoring system na kumokonsidera sa edad upang malaman ng mga tao ang benepisyo ng pagiging malusog kahit nasa katandaan na. Kasama rito ang pagmimintine ng BMI.
Maaaring sukatin ang BMI sa pag-divide ng timbang sa kilo sa metrong taas ng isang indibiduwal. Dito malalaman kung tayo ay overweight o underweight.
sa pag-aaral, na napalathala sa journal na Jama Network Open, nalaman din na yaong may mataas na HLS ay mas may posibilidad na umabot sa 100 taon o mahigit.
Yaong mga hindi nanigarilyo, regular na nag-eehersisyo at nagmimintine ng balanced diet ay Malaki ang tsansang humaba ang kanilang buhay.
Sabi pa ng mga researcher: “Hindi gaanong may kaugnayan ang moderate alcohol consumption sa mga adverse health outcome at ang mas mataas na BMI ay nakikitaan ng protective role sa mortality risk ng mga nakatatanda.
“Specifically, ang BMI para sa mga indibiduwal na may edad na ay sumasalamin sa potensyal na malnutrition at ibang chronic condition kaysa ituring na indicator ng estilo ng pamumuhay.”
