top of page
Flag.gif
  • Facebook
  • X
  • Instagram

NEWS

Gretchen Barretto itinanggi ang paratang ukol sa kaso ng mga nawawalang sabungero

7/4/25, 10:27 AM

Mariing itinaggi ng kampo ng dating aktres na si Gretchen Barretto na kasangkot siya sa kaso ng 34 sabungero na umanoy dinukot at pinatay tatlong taon na ang kakaraan.

Isinangkot si Barretto sa kaso ni Julie “Dondon” Patidongan, alyas Totoy, na nagturo din kay businessman Charlie “Atong” Ang bilang utak sa krimen.

Matapos ito, nagpahayag si Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na parehong iimbestigahan sina Barretto at Ang at kasalukuyang kinokonsiderang mga suspek.

Sa isang pahayag, sinabi ni abogada Alma Mallonga, na si Barretto ay isa lamang sa 20 mamumuhunan sa e-sabong operations na itinatag ni Ang ilang taon na ang nakalilipas.

Si Mallonga na tatayong abogado ni Barretto ay nasa kategorya ng alpha members sa hanay ng mga investors sa nasabing negosyo ngunit wala itong kinalaman sa mga ibinibintang ni Patidongan.

“She attended no meetings where approvals were sought nor given to implement the disappearances. The proposition is so absurd, it is a plain invention,” pagproprotesta ng abogada.

Bago ito, nagsampa noong Huwebes ng iba’t-ibang kaso si Ang laban kay Patidongan na dati security chief ng kanyang maraming negosyo, kasama ang pagpapatakbo ng E-sabong.

Binuweltahan ni Ang si Patidongan na kanyang inakusahang nambabakal ng halagang PhP300 milyon bilang kapalit ng isang affidavit kung saan aaminin ng huli na walang kinalaman ang negosyante sa mga pagkawala ng mga sabungero.

Sa isang exclusive interview of GMA-7, sinabi ni Patidongan na may kinalaman si Barretto sa nangyaring krimen. Ayon sa kanya, madalas magkasama sina Ang at Barretto noong mga panahong nangyari ang mga krimen.

Ayon kay Patidongan mahigit sa 100 katao na ang ipinapatay ni Ang matapos na mahuli umano ang mga ito na nandadaya sa mga sabungan ng dati nitong amo.

Sinabi ni Mallonga na katulad ni Ang, si Barretto rin ay pilit kinikilan ni Patidongan upang hindi ito idawit sa mga nangyaring kriment.

Nangako din ang kontrobersyal na aktres na makikipagtulungan ito sa mga awtoridad na nag-iimbestiga ng mga kaso.

“Ms. Barretto awaits the result of the investigation and will fully cooperate in the process. This is her p;riority. In the meantime she beseeches the authorities to be fair and thorough, and for the public not to rush to judgment,” dagdag ng abogada.

Comments

Share Your ThoughtsBe the first to write a comment.
bottom of page