NEWS
Flood control case trial sinimulan na sa Sandiganbayan

3/4/26, 5:51 AM
Ni Tracy Cabrera
BATASAN, Lungsod Quezon — Nagsimula na rin ang unang Sandiganbayan trial sa kaso ng flood control sa paglilitis ng Sixth Division ng anti-graf court's 6th Division sa ₱289.5 milyong malversation case laban sa Sunwest Corporation, na pinangalanan din si dating Ako Bicol party-list representative at co-founder ng kompanya Elizaldy 'Zaldy' Co bilang isa sa mga respondent.
Ayon kay Assistant Ombudsman Mico Clavano, na siyang nagsampa ng kaso laban kay Co at ilan pang mga opisyal nitong nakaraang taon, Nag-ugat ang kaso mula sa inspeksyon ng ₱289,498,230.06 proyekto ng Sunwest na napagalamang mayroong mga 'serious structural deficiency'.
Sa paglilitis, prinisinta ng prosekusyon bilang witness si Oriental Mindoro provincial engineer Edylou Tejido, na sumailalim sa cross-examination ng legal counsel ng mga akusado, na kinabibilangan din ng mga opisyal ng Department of Public Works and Highways mula sa Region IVB (Mindoro Occidental, Mindoro Oriental, Marinduque, Romblon at Palawan o MIMAROPA) at mga miyembro ng Sunwest Corporation board of directors.
Tinuon ng mga abogado ng defense ang cross-examination sa isinagawang inspeksyon na sinampahan ng nasabing provincial engineer subalit tinukoy ni Tejido na aktibidad na ipinatupad sa koordinasyon ng 'personnel-on-the-ground'.
Hinayag ni Clavano na lumitaw na substandard ang mga steel sheet pile na ginamit para sa road dike ng proyekto sa isinagawang inspeksyon ni Department of Public Works and Highways (DPWH) chief Vivencio 'Vince' Dizon at Oriental Mindoro governor Humerlito 'Bonz' Dolor noong Setyembre 9 ng nakaraang taon.
Hindi na kadalo sa paglilitis si ex-congressman Co dahil hindi pa siya natatagpuan at nadeklara na rin isang pugante sa batas ng Sandiganbayan. Hinihintay pa ng korte ng kanyang voluntary surrender upang makapag-participate siya sa proceedings o makahanap ng judicial relief.
