top of page
Flag.gif
  • Facebook
  • X
  • Instagram

NEWS

E-bike muling nakapatay ng senior citizen; driver tumakas

Photo from Inside Edition

9/25/24, 4:02 AM

E-bike na naman ang naging sanhi ng pagkamatay ng isang senior citizen na sinapit ang naging masaklap na tadhana ng isang lola mula sa Marikina City.

Sa Los Angeles, California, iniimbestigahan ngayon ang hit-and-run na nakamatay sa kay Donny Kim, 64 anyos, habang naglalakad sa sidewalk ng kalye sa Koreatown noong Huwebes (Setyembre 19).

Ang salarin ay isang babae na lulan ng electric scooter na gumamit ng sidewalk.

“The lady was driving an electric scooter that crashed into my uncle Kim,” kwento ni Susan Park tungkol sa sinabit ng tiyuhin.

Ayon kay Park, papasok pa lamang sa isang restaurant si Kim at ang kanyang asawa nang mabundol ng E-scooter.

Dahil dito, nabuwal si Kim at ang kanyang ulo ay tumama sa semento.

Bagamat nasaktan, tinanggihan ni Kim ang emergency aid ng dumating na ambulansya at sa halip ay umuwi na lamang ito.

Sa bahay sumama ang kondisyon ng senior citizen at namatay kinalaunan.

Bago pumanaw, nagbabalak si Kim at ang kanyang asawa na mag-holiday sa kanilang bansa para sa kanilang ika-40 wedding anniversary.

Pagkakabundol din ng E-bike ang naging sanhi ng pagkamatay ni Luzviminda Bisares, 73, noon Abril, 2024 sa Marikina City.

Nakunan ng CCTV ang pagkakahagip ng Ebike kay Bisares na patawid noon sa kalye.

Dead on arrival si lola nang maitakbo sa ospital.

Sinisi ng pamilya ang nagmamaneho ng E-bike na nakita sa CCTV footage na gumagamit ng cellphone nang mabangga si Bisares.

Comments

Share Your ThoughtsBe the first to write a comment.
bottom of page