top of page
Flag.gif
  • Facebook
  • X
  • Instagram

NEWS

Duterte iginiit na legal ang panawagang secession

2/10/24, 6:00 AM

Ni MJ Blancaflor

Iginiit ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na wala raw ilegal sa mungkahi niyang paghihiwalay ng Mindanao mula sa Pilipinas.

Nilinaw niya iyan sa panayam ng kanyang dating chief presidential legal counsel, Atty. Salvador Panelo, sa programa nito sa Radyo Bandido RJTV noong Huwebes, Pebrero 8.

"'Yung proposal ko kasi na secession of Mindanao is a legal process that will be brought to the United Nations," sabi ni Duterte.

Saad pa ng dating Pangulo, hindi raw siya nananawagan ng digmaan.

"They thought na if you want to secede, it's going to be a war. No, we are not doing it. We are doing it in the legal way," ani Duterte.

Hindi rin daw nito nilalabag ang 1987 Constitution.

"It is not against the Constitution. It is outside the Constitution. Mag-secede ka nga e," sabi niya.
"It is based on the right of a free will of determination of the people."

Sa kaparehong panayam, binigyang-diin din ni Duterte na hindi niya ipinanawagan ang pagpapatalsik kay Pangulong Bongbong Marcos Jr., na tinawag niyang drug addict sa rally sa Davao City ilang linggo na ang nakalipas.

Ang tanging isyu lang daw niya sa Pangulo ay ang isinusulong na Charter change.

Noong Huwebes din, mariing tinutulan ni Marcos ang pagkalas ng Mindanao sa bansa at tinawag pa ang mungkahi na "doomed to fail" at "sheer Constitutional travesty."

"I strongly appeal to all concerned to stop this call for a separate Mindanao," dagdag pa niya.

Bago ito, tiniyak na rin ang mga lider at pulitiko sa Mindanao, maging sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao, na hindi ito hihiwalay sa Pilipinas.

Comments

Share Your ThoughtsBe the first to write a comment.
bottom of page