top of page
Flag.gif
  • Facebook
  • X
  • Instagram

NEWS

Desisyon sa pansamantalang paglaya ni Duterte iniliban ng ICC

7/25/25, 8:31 AM

Ipinagpaliban ng International Criminal Court ang desisyon sa pakiusap na pansamantalang paglaya na hiniling ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon sa ICC, ito ay napagpasiyahan ng mga huwes upang makakuha pa sila ng dagdag na impormasyon ukol sa kaso mula sa mga abogado ni Duterte.

Ang pagpapaliban ng ruling ay hiniling ng Team Duterte upang mabigyan pa ito ng sapat na panahon na magsumite ng mga supporting materials para sa apela nila.

Sina Presiding Judge Iulia Antoanella Motoc at Judge Reine Adelaide Sophie Alapini-Gansou ay sumuporta sa hiling nina Duterte.

Si Judge Maria del Socorro Flores Liera naman ay umayaw sa pakiusap na pagpapaliban ng pasiya nila.

“The majority considers it appropriate, in the circumstances, to defer the issuance of its decision on the interim release request until further action is undertaaken by the defense on the matter, or until the chamber deems it appropriate,” ayon sa isinulat na desisyon.

Nilinaw naman ng korte na ito ay alinsunod sa Article 60(2) ng Rome Statute, na pumapayag na pagbigyan ang isang akusado na may ICC arrest warrant na mag-petiosyon ng interim release habang naghihintay ng bista.

Ngunit ayon sa Rome Statute ang akusado ang dapat humiling nito at dapat may sapat na basehan para mabigyan daan ang kahilingan .

“The present decision shall not be construed as prejudging any matter to be determined in the contest of the proceedings related to the interim release request,” ipinaliwanag ng tribunal.

Si abogado Nicholas Kaufman ang nag-file ng petition para sa temporary release ni Duterte .

Hiningi ni Kaufman na palayain sa isang hindi pinangalanang bansa si Duterte. Pumayag na umano an nasabing bansa kung ipakikiusap ito ng ICC.

Comments

Share Your ThoughtsBe the first to write a comment.
bottom of page